Nagpahayag ng pangamba si Robin Padilla hinggil sa kahandaan ng pamahalaan na ilikas ang mga Pilipino sa gitna ng tumitinding sigalot sa Middle East matapos ang airstrikes ng US at Israel laban sa Iran.
Tinanong ni Padilla kung napaghandaan ba ng gobyerno ang kaligtasan at posibleng evacuation ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lalo’t ilang linggo umanong naghanda ang US at Israel bago ilunsad ang pag-atake.
Ang opensiba ay naglalayong pahinain ang nuclear capabilities ng Iran, habang gumanti naman ang Tehran sa pamamagitan ng drone at missile strikes laban sa Israel at mga target ng US sa Bahrain, Kuwait, at Qatar.
Nauna nang tiniyak ni Ferdinand Marcos Jr. na nakaalerto ang mga ahensya ng gobyerno upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa rehiyon, at wala pang naitatalang Filipino casualty sa ngayon. (report by Bombo Jai)
















