-- Advertisements --

Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang gobyerno dahil sa hindi paglaban sa mga nagaganap na kurapsyon sa bansa.

Ayon sa Bise Presidente na sa mga isinawalat ng 18 Marino ay hindi man lamang gumalaw ang gobyerno para mag-imbestiga.

Sa halip aniya ay inakusahan pa siya na pakawala niya ang mga ito para ilihis ang usapin ng impeachment laban sa kaniya.

Giit pa nito na malinaw na nakatuon lamang sa kaniya ang atensiyon ng gobyerno para sirain ang kaniyang panunungkulan.