-- Advertisements --
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP ) sa mga magpapakalat ng pekeng balita na nagdudulot ng takot sa publiko.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office ng PNP, na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing usapin.
Nanawagan din ito sa mga mamamahayag na maging maingat sa pamamahagi ng mga impormasyon sa kung saan marapat na suriin mabuti ang impormasyon bago ito ibahagi.
Hindi rin aniya silang magdadalawang isip na kasuhan ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Magugunitang umani ng batikos ang pagpapakalat ng ilang mamamahayag na mayroong naganap na umanoy mass shooting sa isang paaralan sa lungsod ng Cavite kung saan ito pala ay walang katotohanan.
















