Pinayuhan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko na huwag maghoard o bumili ng sobra-sobrang supply ng water bottles ito ay likod ng banta ng Super El Ñino.
Ayon sa PAGASA, maaaring magkaroon ng malaking epekto sa suplay ng tubig sa bansa ang pagho-hoard ng tubig.
Ayon sa ahensya, maaaring tumagal ang El Niño hanggang Marso o Hunyo 2027. Dagdag pa ng PAGASA, halos 40 probinsya ang maaaring maapektuhan ng matinding init at makararanas din ng kaunting pag-ulan. At maaari pang umabot sa 80 lugar ang maaapektuhan ng matinding init. Pagdating ng Enero ay mararanasan na umano ang dry conditions, dry spell o drought sa buong bansa.
Samantala, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nananatiling sapat ang suplay ng bottled water sa mga pamilihan.
Sa tala naman ng Climate Change Commission, maaaring makaranas ng heat index na nasa 45 hanggang 50 degrees Celsius ang mga lugar na limitado ang mga puno at iba pang pananim.
Inaasahang magsisimula ang tinatawag na “Super El Niño” ngayong Oktubre. Ayon pa sa Climate Change Commission, maaaring may 75% chance na ang mararanasang El Niño ng bansa simula ngayong 2026 ay mas matindi pa kaysa sa mga nakaraang tagtuyot.
Nangyayari ang El Niño kapag tumataas ang temperatura ng ibabaw ng dagat, ayon sa PAGASA.
















