-- Advertisements --

Humarap ang abogado ni dating House Speaker Lord Allan Velasco sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Atty. Rowell Ilagan na kanilang pinapabulaanan ang alegasyon ng dating security aide ni Velasco na si Rodulfo Gracioso Jr na ito ay nagdeliver ng malaking halaga ng pera.

Inakusahan kasi ni Gracioso si Velasco na inutusan siya nito para mag-deliver ng ilang bilyong halaga ng pera kay Vice President Sara Duterte at pamilya nito na itinatanggi naman ito ng dating house speaker.

Giit ni Ilagan na malinaw ang track record ng dating speaker kung saan wala itong anumang bahid na anomalya.

Inihahanda na nila ang mga dokumento at ebidensiya para pasinungalingan ang alegasyon ni Gracioso.

Kumpiyansa sila na kanilang masasagot ang lahat ng alegasyon na ibinunyag ni Gracioso.

Dumalo si Ilagan sa fact-finding investigation ng NBI ukol sa alegasyon ni Gracioso dahil nasa ibang bansa pa si Velasco.