-- Advertisements --

Natukoy na ang mga grupo at mga indibdiwal na umano’y nasa likod ng mga online post na nanghikayat ng kaguluhan sa kabuuan ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mahigit 70 social media post ang natunton nito sa kabuuan ng international event.

Laman ng mga naturang post ang panawagang lumabas sa kalsada at maging bayolente, habang nagsisilbing host ang Pilipinas.

Napansin din ng PNP na paulit-ulit at magkakapareho ang mga mensahe, kaya’t hindi inaalis ang posibilidad na iisa lamang ang pinagmulan ng mga naturang post.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, binabantayan na ng pulisya ang mga naturang post at ang mga page na gumawa sa mga ito, habang inaalam na ng Anti-Cybercrime Group ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod nito.

Nakahanda aniya ang PNP na maghain ng kaso laban sa mga matutukoy o makikilalang nasa likod ng mga naturang postm, tulad ng reklamong inciting to sedition atbpa.