-- Advertisements --

Nakapagtala ng mataas na pursyento ang turismo ng Puerto Galera, ito ay matapos ideklara ng pamahalaan ng long weekend holiday upang bigyan daan ang 49th ASEAN Summit.

Ayon sa datos ng Puerto Galera Municipal Tourism, mahigit 9,500 na turista ang dumating mula November 13 hanggang 17. Ang paglobo sa bilang ng mga turista ang naging daan sa pagtaas ng kita ng lokal na ekonomiya at industriya sa turismo ng isa sa mga tanyag na white beach sa bansa.

Samantala, noong November 1 hanggang 17, umabot sa 15,682 ang bilang ng mga turista, mas mataas kaysa sa kaparehong buwan noong nakataang taon, kung saan umakyat ang tourism growth sa 103%.

Nakapagbigay naman ng maraming business opportunities para sa mga local entrepreneur, tourism workers, transport operators at iba pang sektor ang pagdagsa ng mg turista sa isla.

Ayon sa Batangas Port, dumoble ang daily passenger traffic sa 15,000 mula sa karaniwang 7,000 lamang, kung saan karamihan sa mga biyahero ay patungo sa Puerto Galera na isang popular na tourist destination.