-- Advertisements --

Ibinahagi ng kilalang Filipino fashion designer na si Francis Libiran ang kaniyang karangalan sa pagkakataong bihisan si First Lady Louise Araneta Marcos para sa 49th ASEAN Summit.

Sa kaniyang social media post, tinawag ni Libiran na isang hindi malilimutang karanasan ang pagkakataong magsilbi at kumatawan sa bansa sa pamamagitan ng kaniyang disenyo.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapakita sa buong mundo ng galing, talento at husay ng mga Pilipino sa larangan ng fashion at craftsmanship.

Nagpasalamat din ang designer sa tiwala at pagkakataong ipinagkaloob sa kaniya ng First Lady.