Ibinunyag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot na sa 13 mga indibidwal na mga miyembro umano ng True Brown Style (TBS) group .
Ayon sa NCRPO na ang nasabing bilang ay mula pa noong Agosto 2024 hanggang Setyembre 28, 2026.
Base sa bilang ng NCRPO na mayroong dalawang suspek ang kanilang naaresto noong 2024, apat noogn 2024 at pito naman sa unang siyam na buwan ng 2026.
Anim ang inaresto mula sa Southern Police District, apat ang sa ilalim ng Manila Police District, dalawa naman ang naaresto ng Quezon City Police District at isa naman ang naaresto ng Northern Police District.
Ilan sa mga paglabag ng mga naaresto ay kinabibilangang ng illegal gambling, kidnapping o illegal detention at mayroong drug-related cases.
Kabilang din sa mga kaso ay ang theft, homicide, trafficking in persons, cybercrime, Anti-Hazing law, child abuse , grave coercion at disobedience to a person in authority.
Mahigpit din na ipinag-utos ni Police Brigadier General Christopher Abrahano ang officer-in-charge ng NCRPO, sa kaniyang mga police districts at units sa Metro Manila na paigtingin ang intelligence gathering at operasyon laban sa mga tao na konektado sa grupo.
Mahalaga aniya na mayroong ugnayan ang mga kapulisan sa mga paaralan, barangay,komunidad at mga magulang para mapigilan ang pag-recruit sa mga bata ngnasabing grupo.
Magugunitang ibinunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang TBS na community-based criminal group na karamihan sa Metro Manila ay siyang nagrerecruit ng mga menor-de-edad para gumawa ng iba’t-ibang krimen.
















