-- Advertisements --
Mas papaigtingin ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence measures.
Kasunod ito sa pagkakaaresto ng tatlong empleyado ng gobyerno na nagbibigay umano ng mga impormasyon sa China.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na mayroon silang proactive measures gaya ng pagtitiyak na napoprotektahan ang national security.
Itinuturing niya na isang wake-up call ang pag-amin ng mga naarestong suspek kaya mas lalong magiging maingat sila.
Mayroon din silang mga tamang kaparaanan para sa confidential reporting para matiyak na hindi maikakalat ang sensitibong impormasyon.
Natitiyak niya na nananatiling tapat ang mga kapulisan sa bansa at sa mamamayan.
















