-- Advertisements --

Bumaba ang kaso ng carnapping sa bansa sa unang dalawang buwan ng taon.

Ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP HPG) , na mayroong 14.25 percent na pagbaba ang naitalang kaso mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon.

Sinabi pa ni HPG spokesperson Lt. Nadame Malang na mayroong 391 na insidente ng carnapping ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 28.

Ito ay mas mababa kumpara sa naitalang 456 na insidente sa parehas na buwan noong 2025.

Isa sa mga dahilan ng pagbaba nito ay dahil sa pinaigting nila ang checkpoint at intelligence operations.