-- Advertisements --

Dinala sa ospital ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya, isa sa mga personalidad na sangkot sa flood control scandal, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang abogado nitong Huwebes.

Sa isang pahayg sinabi ng abogado ni Discaya na si Cornelio Samaniego III na nakararanas ng iba’t ibang karamdaman ang kanyang kliyente.

Kinumpirma rin ni Senate President Vicente ”Tito” Sotto III, na sumailalim nga si Discaya sa MRI test dahil sa frozen shoulder.

Ayon kay Sotto, maikli lamang ang oras ng pananatili ni Discaya sa ospital kaya’t naibalik rin ito agad sa detention facility ng Senado matapos ang pagsusuri.

Nakadetine si Discaya sa Senado mula pa noong Setyembre 2025 matapos siyang ma-cite in contempt kaugnay ng imbestigasyon ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Si Discaya at ang kanyang asawa na si Sarah Discaya ay iniuugnay sa ilang construction firms na may hawak na mga government contract, kabilang ang ilang flood control projects na iniimbestigahan dahil sa umano’y mga iregularidad.

Samantala, nakadetine naman si Sarah Discaya sa Lapu-Lapu City Jail.