Inilunsad ng Department of Education–National Capital Region (DepEd NCR) ang programa laban sa bullying.
Dumalo sa nasabing programa ang ilang alkalde ng Metro Manila at kanilang mga kinatawan gaya nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalo at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Ganun din ang mga opisyal ng DepEd NCR sa pamumuno nina Assistant Secretary for Operations at DepEd NCR Regional Director Jocelyn Andaya, Assistant Secretary Georgina Ann Yang, Assistant Regional Director (OIC) at Quezon City Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.
Layon ng “NCR Safe Schools: Regional Anti-Bullying Policy” ay para tuluyang mawala na ang kaso ng pambubully sa mga paaralan.
Nagsagawa ng pagpipirma ng suporta ang mga alkalde at mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Metro Manila.
















