-- Advertisements --
Patuloy ang trabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa araw na ito ng Chinese New year.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Castro, wala namang public engagement o labas ng Malacanang Palace ang aktibidad ng pangulo sa araw na ito.
Dalawang private meetings lang ani Castro ang shedule ng Presidente at bukod dito ay wala na namang nabanggit pang aktibidad ng Pangulo.
At kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese new year ay nagpahatid ng kanyang mensahe ukol dito ang Presidente.
Sa mensahe ng Pangulo ay nanawagan ito sa publiko na kumilos nang may malinaw na direksyon at layunin.
Mahalaga ayon sa Pangulo ang bilis ng pagkilos ngunit mas mahalaga ang tamang direksyon upang makamit ang resulta.









