Posibleng umiral na ang southwest monsoon o habagat sa pagtatapos ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo.
Ayon sa state weather bureau, kasalukuyan nang nagtra-transition ang bansa sa habagat season.
Subalit, nilinaw ni Joey Figuracion ng Climatology and Agrometeorology Division ng weather bureau na ang pagsisimula ng habagat ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Posible aniya na dumating ng mas maaga ang southwest monsoon base sa kanilang forecasts sa mga susunod na linggo. Kayat maaaring sa pagtatapos ng Mayo, mararanasan ang onset ng habagat subalit ang rainy season ay magsisimula sa unang bahagi ng Hunyo.
Patuloy namang binabantayan ang dating low pressure area na isa ng Tropical Storm Jangmi, na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, na maaaring magpaigting sa habagat sa huling bahagi nitong linggo.
Huling namataan ang lokasyon ng tropical storm sa layong 1,295 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.















