Asahan ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas ngayong Miyerkules dahil sa umiiral na southwest monsoon o habagat ayon sa PAGASA.
Apektado ng habagat ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Zamblaes, Bataan, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
Samantala, asahan na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa lugar ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora.
Maaari ring makaranas ng pag-ulan ang Aklan at Antique, habang isolated rain showers at thunderstorms naman ang posibleng maranasan sa iba pang bahagi ng Visayas.
Samantala, wala nang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility na maaaring maging tropical cyclone.
Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling updated sa mga susunod na weather bulletin at mag-ingat sa posibleng epekto ng malalakas na pag-ulan.
















