-- Advertisements --

Inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Oktubre 28 ayon sa state weather bureau.

Ayon pa sa weather bulletin board, makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at thunderstorms ang ilang mga probinsya sa bansa tulad ng Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque, at Oriental Mindoro.

Habang makararanas naman ng northeast monsoon o amihan ang Batanes, Cagayan, Isabela, at Apayao.

Samantala ang natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms dahil sa localized weather conditions.

Ayon pa sa state weather bureau, walang binabantayan na tropical cyclone o low pressure area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Narito naman ang mga sumusuno na temperaturang mararamdaman sa ilang parte ng bansa:

  • Metro Manila: 24 to 33 degrees Celsius
  • Baguio City: 17 to 26 degrees Celsius
  • Laoag City: 24 to 32 degrees Celsius
  • Tuguegarao: 23 to 32 degrees Celsius
  • Legazpi City: 26 to 33 degrees Celsius
  • Puerto Princesa City: 25 to 33 degrees Celsius
  • Tagaytay: 21 to 32 degrees Celsius
  • Kalayaan Islands: 25 to 33 degrees Celsius
  • Iloilo City: 26 to 32 degrees Celsius
  • Cebu: 25 to 32 degrees Celsius
  • Tacloban City: 26 to 33 degrees Celsius
  • Cagayan De Oro City: 24 to 32 degrees Celsius
  • Zamboanga City: 25 to 35 degrees Celsius
  • Davao City: 25 to 34 degrees Celsius