Inanunsyo ng PAGASA ngayong araw Oktubre 27, ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan matapos lumakas ang high-pressure area sa Silangang Asya, na nagdudulot ng malamig na hangin at pagbaba ng temperatura sa Hilagang Luzon.
Inaasahang magdadala ang Amihan ng mas malamig na panahon, malamig na bugso ng hangin, at maalon na karagatan sa mga susunod na buwan.
Maaari ring makaapekto sa lagay ng panahon ang shear line, mga bagyong papasok sa bansa, at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Patuloy namang babantayan ng state weather bureau ang mga pagbabago sa kondisyon ng panahon, lalo na sa gitna ng inaasahang paglakas ng El Niño phenomenon, na maaaring makaapekto sa dami ng ulan at suplay ng tubig sa bansa.
Babala ng mga eksperto, posibleng magkaroon ng mga araw na may mainit na temperatura kapag umabot sa peak ang El Niño ngunit babalit pa rin ang mahalumigmig na amihan.
Sa ganitong panahon, maaari ring magkaroon ng malalakas na bagyo, ngunit mas madalang ang dating nito kaysa sa mga karaniwang panahon.













