-- Advertisements --
Inaasahang hanggang Miyerkules na lamang mararanasan ang malamig na temperaturang dulot ng Northeast Monsoon o Amihan sa bansa, ayon sa state weather bureau.
Ayon kay weather specialist Chenel Domingue, unti-unti nang humihina ang Amihan at kasalukuyan na lamang itong nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
Pagsapit ng araw ng Huwebes ay inaasahan nang babalik ang mas mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Sa forecast ng weather bureau nitong Lunes, patuloy pa ring magdadala ng mga pag-ulan ang Amihan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, Quezon, Metro Manila, Western Visayas, at iba pang bahagi ng Luzon sa loob ng susunod na 24 oras.
















