-- Advertisements --

Nabawasan na ang mga lugar na nasa signal number 1 dahil sa paghina ng bagyong Basyang.

Ayon sa datos ng hilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa Ayungon, Negros Oriental.

Mayroong taglay na lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.

Ang mga lugar kung saan nakataas ang signal number 1 ay kinabibilangan ng Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Cebu, Bohol; Maasin City, Marcohon sa Southern Leyte; (San Isidro, Calubian, Leyte, Tabango, Villaba, Matag-Ob, Kananga, Palompon, Isabel, Merida, Ormoc City, Albuera, Burauen, City of Baybay, Inopacan, Hindang, Hilongos, Bato, Matalom sa Leyte; Cuyo at Cagayancillo Islands.

Dahil sa nararanasang hanging amihan ay magdudulot ng malakas na hangin sa mga lugar ng Luzon, Western Visayas, Negros Island Region at Zamboanga del Norte.

Inaasahan na sa loob ng 12 oras ay tuluyang hihina ang bagyo at magiging isang low pressure area na lamang ito.