Inihayag ng Malacañang na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang umano’y ugnayan ng kumpanyang konektado kay atty. Manases “Mans” carpio sa Chinese government kung may sapat na ebidensiyang sumusuporta rito.
Ito ang pahayag ni Palace Press Officer at communications undersecretary Claire Castro matapos ihayag ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang umano’y mahigit P319 Milyon na financial inflows mula sa Chinese government at China-based corporations patungo sa cale88 foods corporation.
Ayon kay Castro, maaaring ituring na pagtataksil sa bayan ang naturang ugnayan kung mapatutunayan, lalo na kung sangkot ang mga public official.
Gayunman, nilinaw ni Castro na wala pang ginagawang paghuhusga ang administrasyon sa ngayon.
Aniya, dapat malaman ng publiko ang mga alegasyon kung may sapat na ebidensiyang magpapatibay sa mga Ito.
Nanawagan din si Castro na huwag hayaang may mga opisyal na makapinsala sa interes at soberanya ng bansa.
















