-- Advertisements --
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang ahensiya na gumawa ng bagong kaparaanan sa pagsuspendi ng pasok sa paaralan.
Ito ang naging pahayag ng pangulo sa ginawang pulong niya sa ilang miyembro ng Gabinete.
Sinabi ni Communications Undersecretar Claire Castro, na dahil sa mabilis ang pagbabago ng panahon kaya marapat na magkaroon ng mabilis na impormasyon para sa mga magulang.
Mahalaga na magkaroon ng pagkakatugma ang anunsiyo ng mga local government units at sa Department of Education.
Dagdag pa ni Castro na pinapamadali ng Pangulo ang nasabing plano.













