Nilagdaan ng global tech company na Apple ang kasunduan nito sa Department of Education (DepEd) na mamahagi ng 170,000 units ng Macbook Neo sa mga mag-aaral at mga guro sa bansa.
Pagkukumpirma ito ni Apple CEO John Ternus sa kaniyang Q4 2026 quarterly financial call.
Ito rin ang pinakamalaking kasunduang may kinalaman sa sektor ng edukasyon na nilahukan ng nasabing kumpanya na mamahagi ng units ng Macbook Neo.
Pinuri naman ni DepEd Secretary Sonny Angara ang kolaborasyon ng mga ito at aniya’y mahalagang investment ang naturang inisyatiba sa pag-angat ng pamantayan ng edukasyon sa bansa. Positibo rin ang kalihim sa kasunduan nito sa nasabing tech company.
Ang naturang landmark deal ay bahagi ng DepEd Computerization Program (DCP) kung saan nakatakdang maibahagi ang mga Macbook Neo unit sa higit 16,400 na pampublikong paaralan sa buong bansa na maaari ring tanggapin ninoman, mapa-mag-aaral, guro, o non-teaching personnel.














