Inaasahang makararanas ang 16 na lugar sa bansa ng mapanganib na lebel ng init ngayong Martes, kung saan aabot ito sa 43 degrees Celcius ayon sa state weather bureau.
Ayon sa huling tala ng heat index forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, kabilang ang Iloilo City, San Jose sa Occidental Mindoro, Catarman sa Northern Samat, kung saan makakaranas ang mga probinsya ng 43 degrees Celcius.
Ilan din sa mga napag-alaman na makakaranas ng 42°C na heat index ay ang mga sumusunod na area:
Ilocos Region
- Bacnotan, La Union
Central Luzon
- Camiling, Tarlac
Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon)
- Sangley Point, Cavite City, Cavite
- Mulanay, Quezon
Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan)
- Cuyo Palawan
Bicol Region
- Daet, Camarines Norte
- Legazpi City, Albay
- Virac, Catanduanes
- Roxas City, Capiz
Negros Island Region
- Siquijor, Siquijor
Eastern Visayas
- Borongan, Eastern Samar
Zamboanga Peninsula
- Dipolog, Zamboanga del Norte
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Nagbabala naman ang weather bureau na ang matagal na pagkakadarang sa init ay maaaring magsanhi ng heat cramps, heat exhaustion, at maaari ding humantong sa heat stroke.














