-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na walang matatanggap na special treatment si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng mga usapin kaugnay ng warrant of arrest na iniuugnay sa kanya.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., mananatiling nakabatay sa batas at mandato ng organisasyon ang lahat ng kilos ng pulisya, anuman ang ranggo o posisyon ng isang indibidwal.

Ginawi ng PNP ang pahayag kasunod nang mga tanong ng publiko kung magiging mahigpit ba ang pagpapatupad ng batas laban sa senador dahil sa kanyang dating posisyon bilang hepe ng pambansang pulisya at matagal na koneksyon sa organisasyon.

“The Philippine National Police operates strictly on legal frameworks and our sworn oath to serve and protect, meaning no individual is above the law regardless of rank or title,” pahayag ni Nartatez.

Dagdag pa ng PNP chief, inatasan niya ang lahat ng yunit ng pulisya na mahigpit na sundin ang standard operating procedures sa anumang operasyon na may kaugnayan kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay nahaharap sa usapin kaugnay ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Naglabas din umano si Nartatez ng direktiba sa mga police commander na iwasan ang anumang preferential treatment at hindi awtorisadong pagbubunyag ng impormasyon na maaaring makaapekto sa mga operasyon ng pulisya.