-- Advertisements --

Nilusob ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) isang bahay sa loob ng subdivision sa Angeles City, Pampanga na pinaghihinalaang pinagtataguan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Isinagawa ang operasyon ng ala-6 ng umaga nitong Miyerkules, Mayo 26 kung saan ang lugar ay pag-mamay-ari ng tiyuhin ni Senator Robin Padilla.

Nagnegatibo ang nasabing operasyon kung saan hindi nila nakita ang senador at maging ang sasakyan kung saan iniuugnay sa kaniya ay hindi rin nakita.

Magugunitang naglunsad ang PNP at NBI ng malawakang manhunt operation para sa Senador na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court.