-- Advertisements --

Magsasagawa ng kilos protesta ang grupong Manibela sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTR).

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, na isasabay nila ang nasabing aktibidad sa Pebrero 25 o ang paggunita ng EDSA People Power Revolution.

Bukod sa LTFRB ay nakatakda rin silang magsagawa ng kilos protesta sa harap ng Department of Transportation at makiklahok din sa ikatlong Trillion Peso March.

Ipapanawagan nila ang pagkontra nila sa limang taong prangkisa, Jeepney Phaseout at pagbuwag sa DOTR- Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) .