Binigyang-diin ng Department of Budget and Management (DBM) ang kahalagahan ng proseso ng national Budget sa ginanap na Visayas leg ng “Usapang Budget Natin” forum nitong Biyernes sa lungsod ng Cebu.
Ipinunto ni Department of Budget and Management Acting Secretary Rolando Toledo na ang P6.793T 2026 National Budget ay higit pa sa isang dokumentong pinansyal, ito ay pamumuhunan para sa kapakanan at kinabukasan ng bawat Pilipino.
Ayon kay Toledo, mahalaga ang bukas na dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at publiko upang masiguro na ang mga proyekto at programa sa ilalim ng 2026 budget ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.
“This is not a lecture and it’s not a one way explanation. This is a conversation about the budget, the people and for the people,” saad ni Toledo.
Nananatiling pangunahing prayoridad ang edukasyon, kasabay ng suporta sa mga guro, magsasaka, health workers, manggagawa, at kabataan.
Iginiit din niya na ang budget ay sumasalamin sa disiplina, pananagutan, at malasakit ng pamahalaan, at dumaan sa masusing proseso upang matiyak na bawat piso nito ay may malinaw na benepisyo sa bawat Pilipino.
Ang naturang forum nga ay dinaluhan ng daan-daang stakeholders sa rehiyon at mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Ang 2026 natinal budget ay hindi lamang plano ng pamahalaan. Ito ay salamin ng ating malasakit bilang bayan. Ito ay disiplinado, responsable at higit sa lahat ito ay makatao. this budget is for the teachers, farmers, health workers,laborers and the youth. This is the people’s budget that affirms that every Filipino matters,” dagdag pa nito.
















