-- Advertisements --

Tiniyak ng bagong talagang National Bureau of Investigation (NBI) Director na si Melvin Matibag na walang sisinuhin at hindi padidikta sa pulitika ang kawanihan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pormal nang umupo sa pwesto si Matibag matapos ang isinagawang turnover ceremony nitong Lunes mula kay outgoing chief Atty. Angelito Magno. 

Agad na hinarap ng bagong opisyal ang isyu hinggil sa pagiging malapit niyang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa kabila ng paglilingkod niya ngayon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Matibag, hindi dapat maging batayan ang pulitika kundi ang mismong mandato ng ahensya.

Binigyang-diin din nito na walang sacred cow sa mga patuloy na imbestigasyon ng NBI, partikular na sa mga hinihinalang anomalya sa flood control. 

Ipinunto niya ang mahigpit na direktiba ng kasalukuyang administrasyon na papanagutin ang lahat ng may sala.