-- Advertisements --

Pinagtibay ng Pasay City Regional Trial Court Branch 297 ang otoridad ng Senado para mai-cite in contempt ang kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya.

Sa desisyon na inilabas ng korte ay ibinasura ang petisyon ni Discaya.

Nagkulang umano si Discaya ng mga ebidensya na umabuso umano ang Senado sa pag-cite siya ng contempt.

Dagdag pa ng korte na sumunod sa sinasabi ng konstitusyon ang Senate Blue Ribbon Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control.

Ilan sa mga isinaad ng korte na ang imbestigasyon ay dahil sa “in-aide of legislation” , mayroong inilathala na rules of procedure para sa pagsasagawa ng imbestigasyon kung saan pinahalagahan ang karapatan.