Itinanggi ng mga drug war victims ang alegasyon na galing sa kaban ng goyberno at pinondohan ng mga komunistang rebelde ang pagbiyahe ng mga ito sa The Neherlands para dumalo sa confirmation hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Kristina Conti, na pawang mga non-government organizations at private individuals na sumusuporta sa tamang paggulong ng batas ang tumulong para sa pagbiyahe ng mga biktima.
Giit nito na walang anumang pera mula sa taumbayan para sa pagpondo sa mga bikitma.
Dagdag pa nito na maraming mga sumusuporta sa kanila dahil sila ay mga biktima rin at naghahanap ng hustisya.
Hinamon nito ang mga nagpaparatang na patunayan kung sino ang nag-aakusa ng nasabing alegasyon.
















