Naitala ng Commission on Elections (COMELEC) ang 84.34% voter turnout sa kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Chairman George Garcia, halos 2.1 milyon sa 2.393 milyong rehistradong botante ang nakaboto noong Setyembre 14–15.
Ang halalan ay nagtakda ng 80 miyembro ng Bangsamoro Parliament mula sa party, district, at sectoral representatives.
Tinawag ni Garcia ang mataas na turnout bilang makasaysayang tagumpay para sa rehiyon at sa bansa.
RJ Nieto na kilalang Duterte supporter, itinalaga ng Marcos admin bilang assistant secretary
Loop: rj nieto, pbbm
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si blogger Rey Joseph “RJ” Nieto, mas kilala bilang Thinking Pinoy, bilang Assistant Secretary sa Office of the Cabinet Secretary.
Nakasaad sa appointment letter na nilagdaan noong Setyembre 1, 2026 na maaari niyang simulan ang tungkulin matapos magsumite ng panunumpa sa Office of the President at Civil Service Commission.
Kinumpirma ni Nieto sa kanyang post ang naturang posisyon at nagpasalamat sa pagkakataong makapagsilbi sa sambayanang Pilipino.
Kilala si Nieto sa kanyang blog na Thinking Pinoy na nagsimula noong 2015 at sa pagiging pro-Duterte bago ang kanyang pagtatalaga sa Palasyo.
















