-- Advertisements --
Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang taon na revocation ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach.
Kasunod ito sa pagkakabangga ng aktor sa isang establishimento at motor sa Antipolo City noong nakaraang buwan.
Ayon sa LTO na lumabas sa kanilang imbestigasyon na dahil sa labis na kapaguran ng aktor ay nawalan ito ng kontrol sa minamaneho nitong sasakyan.
Dahil sa insidente ay nabangga nito ang tatlong gusali maging ang isang motor rider.
Mananatili namang nasa alarm status ang sasakyan ng aktor para maipatupad ang multa at para maiwasan ang anumang transakyon na kinasasangkutan nito.
Magugunitang inamin ng aktor na nakatulog ito habang nagmamaneho dahil sa labis na kapaguran.
















