Hinatulang makulong ng 25 taon ng International Criminal Court (ICC) si dating Kosovo president Hashim Thaci.
Ito ay matapos na mapatunayang guilty ito sa kasong war crimes.
Sa ginanap na pagdinig, ay nahatulan ang 58-anyos dahil sa krimen noong independence war ng Kosovo laban sa Seriba noong 1990.
Sa nasabing giyera ay mayroong mahigit 10,000 katao na ang nasawi.
Nailabas ang hatol matapos ang tatlong taon na pagdinig sa mga kaso na kinabibilangan ng murder, illegal arrests, torture at cruel treatment.
Maging ang ilang alegasyon laban sa kaniya na hindi pa napatunayan.
Si Thaci ay co-founder at commander ng Kosovo Liberation Army (KLA) ang grupo na lumaban sa kalayaan at itinuturing na bayani sa Kosovo.
Inakusahan siya ng pagpatay ng nasa 100 katao at ang pagkawala ng ilang mga tao.
Kasama niyang nahatulan ang tatlong dating commander ng KLA.
Itinaguyod ang Kosovo Liberation Army (KLA) noong 1990 bilang militant group ng ethnic Albanians na noon ay probinsiya umano ng Serbia sa naganap na giyera sa Ethnic Serb minority.
Naging unang Prime Mnister si Thaci ng Kosovo noong sila ay magdeklara ng independence sa taong 2008 at naging pangulo pero nagbitiw sa puwesto noong 2020 para harapin ang kaso sa the Hague.
















