-- Advertisements --
Dumalo si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang arraignment at pre-trial proceedings sa kasong plunder sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail–Male Dormitory.
Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang mosyon na makadalo nang remote dahil sa kalagayan ng kanyang pagkakakulong at pisikal na kondisyon.
Ang pagbasa ng kaso ay isinagawa ng Division Clerk of Court mismo sa loob ng kulungan habang ang ibang abogado at piskal ay nasa korte.
Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y paglustay ng tinatayang ₱7.4 bilyong pondo ng pamahalaan.
















