-- Advertisements --

Tinanong ni Sen. Joel Villanueva si dating Chief Justice Artemio Panganiban kung maaari pa bang makaboto o makibahagi sa Senate proceedings ang isang mambabatas na ‘legally detained’ o nakakulong.

Sagot naman ng dating Punong Mahistrado, dapat ay personal na nakikibahagi ang isang senador sa proceedings tulad ng impeachment trial, para mabigyan siya ng pagkakataong bomoto o magdesisyon sa isang isyu.

Inihalimbawa ni Panganiban ang dalawang magkapatid na nag-aaway kung saan nais ng kanilang magulang na matukoy kung sino ang dahilan ng pag-aaway.

Dapat aniyang makita, mapakingan, at matanong ng mga magulang ang kanilang mga anak upang maayos na masuri ang sitwasyon o kung sino ang nagsasabi ng totoo.