Umakyat na sa 76 ang nasawi, habang 13 ang nawawala at 43 naman ang naitalang survivor sa insidenteng pagkasunog ng pampasaherong barko na MV June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan noong Setyembre 9, 2026.
Ayon sa opisyal na manifesto, may kabuuang 134 na katao ang sakay ng barko 117 ang pasaher at 17 naman ang crew.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakarekober nitong Sabado ng gabi ang rescue teams ng karagdagang 41 bangkay na dinala sa pantalan ng Coron.
Ang MV June Aster, na pagmamay-ari ng Atienza Interisland Shipping Lines, ay nagmula sa Baseco, Maynila at patungong Coron nang mangyari ang insidente.
Patuloy ang search and rescue operations para sa mga nawawala, habang isinasagawa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog at iba pang detalye ng insidente.













