Umabot na sa 76 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster ferry sa Coron, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa tala ng PCG, nadagdagan pa ng 41 ang bilang ng mga nasawi, habang 13 ang bilang ng mga patuloy pa ring pinaghahanap. Nananatili namang 43 ang bilang ng mga nakaligtas sa nasunog na ferry.
Ayon kay PCG Spokesperson Noemie Cayabyab, dadalhin ang mga labi sa BRP Cape Engaño.
Batay sa opisyal na listahan ng mga pasahero, 134 ang tinatayang may pangalan ang sumakay sa MV June Aster, habang dalawa naman ang tinatayang hindi nakasakay sa nasabing barko. Kinumpirma naman ng PNP-SOCO na kasama rin sa mga narekober na labi ang isang alagang aso.
Ayon sa Philippine Coast Guard at ilan pang ahensya, maaari pang mabago ang bilang habang nagpapatuloy ang proper recovery at identification sa nasunog na barko.















