-- Advertisements --

Muling nakadiskubre ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 109 karagdagang pakete ng hinihinalang “kush” na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P204.44 milyon mula sa isang sailing yacht sa Subic Bay Yacht Club (SBYC) noong Setyembre 4, 2026.

Natagpuan ang mga pakete sa forward hatch ng yate sa isinagawang re-inspection, dinala ang mga ito sa Bureau of Customs (BOC) Collection District XIII, Port of Subic, para sa imbentaryo at kaukulang disposisyon.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakikipag-ugnayan ang PCG sa BOC upang suriin ang mga rekord at navigation system ng yate, layunin nitong matukoy ang pinagmulan, mga naging biyahe, at posibleng rutang ginamit sa transportasyon ng hinihinalang ilegal na droga.

Ang naturang operasyon ay kasunod ng pagkakasamsam noong Setyembre 2 ng humigit-kumulang 89 kilo ng hinihinalang high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P106.8 milyon mula sa parehong yate.