-- Advertisements --

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa pagpasok ng Lunar New Year at Year of the Fire Horse, na aniya’y sumisimbolo ng galaw, tapang, at pagsulong.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na bagama’t mahalaga ang mga simbolo, higit na umuunlad ang bansa sa pamamagitan ng sipag, maingat na paggastos ng bawat pamilya, at tuloy-tuloy na serbisyo at matitinong desisyon ng pamahalaan at mga industriya.

Binigyang-diin niya na ang kaunlaran ay bunga ng araw-araw na pagsisikap, disiplina, at paglikha ng trabaho na sumusuporta sa mga komunidad.

Hinimok din ng Pangulo ang publiko na kumilos nang may direksiyon mabilis kung kinakailangan ngunit maingat sa mahahalagang usapin, habang pinangangalagaan ang patas na oportunidad, maaasahang serbisyong publiko, at mas matatag na ekonomiya.

Ayon sa Pangulo, nawa’y maging masigla, masagana, at mabunga ang taon para sa lahat.