Nagbigay babala ang Department of Justice sa mga nais magtrabaho abroad na wag’ tularan ang sinapit ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay DOJ Usec. Felix Ty, hindi dapat makampante ang mga kababayan na maliligtas sa ibang bansa pag’ nabiktima ng ‘human trafficking’.
Bagama’t naging matagumpay aniya ang kaso ni Veloso, binigyang diin ng opisyal na itoy hindi dapat magpalakas sa loob ng mga ito na malinlang ‘abroad’.
Kaya’t binalaan niya ang mga Pilipinong nais sumunod sa yapak ni Veloso na wag’ nang ituloy sapagkat hindi aniya ganun kadali na maiuwi ito ng Pilipinas at tuluyang makalaya.
Paalala naman ni Justice Secretary Fredderick Vida na mayroon tamang pamamaraan bago bumyahe at magtrabaho abroad.
Layon aniya ng gobyerno na maiwasan maging ‘vulnerable’ sa kapamahakan ang mga ito lalo pa’t kung hindi dumaan sa tamang proseso.
Kasabay nito’y may mensahe din si Mary Jane Veloso sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.
Paalala niya’y wag’ maengganyo sa mga ‘offer’ natatanggap, at dumaan sa legal na proseso upang hindi mapahamak.















