-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad sa Germany ang dati nilang spy chief na si August Hanning dahil sa kasong espoinage, treason at pagkakaroon ng mga classified infomation mula sa ibang bansa.
Ayon sa German Federal Prosecutor’s Office na gumamit umano si Hanning ng classified intelligence para mag-draft ng analysis sa isang foreign intelligence service at patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang foreign spy serivice.
Naaresto si Hanning sa kaniyang bahay sa Nordwalde kung saan maging ang kaniyang dating emplyeado na si Mandred D ay inaaresto.
Si Hanning ay naging head ng Federal Intelligence Service (BND) mula 1998 hanggang 2005.
Nakatakdang dumalo ang dalawa sa korte sa araw ng Miyerkules.
















