Magtutungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa limang araw na working visit mula Oktubre 7 hanggang 11.
Layon ng nasabing pagbisita ay para mapalalim ang ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa ekonomiya.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Analyn Ratonel na mismong si Prime Minister and Minister for Finance Lawrence Wong ang nag-imbita sa pangulo para bumisita sa Singapore.
Mahalaga aniya ang pagbisita dahil sa nalalapit na ang pagtatapos ng tungkulin ng Pilipinas bilang chair ng ASEAN at susunod naman ang Singapore.
Dito kasi sa Pilipinas gaganapin ang 2026 ASEAN Summit mula Nobyembre 16-18.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Singapore ay inaasahan na dadalo ito sa 24th Forbes Global CEO Conference kung saan makakasama ang ilang pangunahing Singaporean at global business leaders kung saan dito ay maibabahagi ng Pangulo ang investment at economic priorities para sa pagpapaunlad ng pangunahing sektors.
Kabilang din ang pagbisita ng Pangulo sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute.
















