-- Advertisements --
Nagpatupad ang Nigeria ng tatlong araw na pagluluksa matapos ang pagbagsak ng eroplano ng militar sa Ondo State na ikinasawi ng 25 katao.
Ayon sa Aviation Minister Festus Keyamo na kinabibilangan ito ng limang crew at 20 pasahero ang nasawi.
Ang nasabing eroplano ay mula sa routine mission sa Benin City at ito ay patungong Lagos ng ito ay bumagsak sa swamp na malapit sa naval base.
Ito na ang naging matinding pagbagsak ng eroplano mula noong taong 1992.
Dahil dito ay ipinag-utos ni President Bola Tinubu na ilagay sa half-mast ang mga watawat ng kanilang bansa.
















