Matapos ang matagumpay sa 20th Asian Games sa Japan, balik-training agad ang magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo sa France para sa nalalapit na 54th Artistic Gymnastic World Championships na gaganapin sa Netherlands.
Sa ginanap na Athletes Homecoming dinner nitong Lunes ng gabi, Oktubre 5, ibinahagi ng magkapatid na nakatakda silang lumipad tungong Antin, France nitong Martes para paghandaan ang palaro sa Rotterdam.
Nitong 2026 Asian Games, sinungkit ni Carlos ang dalawang gold mula sa kaniyang floor exercise at vault, habang inuwi naman ni Eldrew ang bronze mula sa parallel bars.
Ang nalalapit na World Championship naman ang magsisilbing senior debut ng nakababatang Yulo kung saan huli siyang sumabak sa junior worlds na ginanap sa bansa nitong nakaraang taon.
Samantala, nakatakdang maganap ang 2026 Artistic Gymnastics World Championships sa darating na Oktubre 17 hanggang 25 ngayong taon sa Rotterdam, Netherlands.
















