-- Advertisements --
Nagkamit ng gintong medalya sa Filipino swimmer Ernie Gawilan sa nagpapatuloy na 5th Asian Para Games sa Nagoya, Japan.
Nanguna ang 35-anyos na Davao City native sa men’s 400-meter freestyle sa oras na apat na minuto at 56.72 segundo.
Tinalo nito ang pambato ng China na si Zhang Yilong at Singaporean swimmer na si Toh Wei Soong.
Ito na ang pangatlong sunod na ginto ni Gawilan at pang-limang overall matapos ang tatlong gintong medalya na nakamit nito noong 2018 Jakarta Games at isang gintong medalya sa Hangzhou, China noong 2023.
Sinabi ng kaniyang coach na si Tony Ong na nakapasok na mayroon na itong spot sa 2028 Los Angeles Paralympics.
















