-- Advertisements --

Inamin ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na kailangan ng Pilipinas ang mga manlalaro mula sa ibang bansa.

Sa ginawang pagdinig sa Senate Committee on Sports na pinangunahan ni Senator Bong Go, na tinanong ng Senador kung ano ang dahilan ng hindi matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa Asian Games.

Sinabi ni Cone na nahirapan silang pagsamahin ang mga manlalaro dahil sa kakulangan ng mekanismo na naggagarantiya na ang mga overseas-based players ay papakawalan ng kanilang mga mother ball clubs.

Ilan sa mga tinukoy nito ay sina Kevin Quiambao, Carl Tamayo, AJ Edu , Dwight Ramos at Kai Sotto na may kaniya-kaniyang koponan sa ibang bansa.

Hindi aniya gaya ng Olympics, FIBA World Cup, at FIBA Asia Cup ay inoobliga ang mga clubs gaya ng Japan, Korea na pakawalan ang kanilang mga Filipino imports.

Dagdag pa ni Cone na gumawa na ng hakbang ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga basketball clubs sa ibang bansa subalit hindi sila pinayagan.

Giit pa ni Cone na magpapatuloy ang nasabing hakbang hanggang walang magandang mekanismo ukol sa pagpapakawala ng mga manlalaro sa ibang bansa.