Nakatakdang ilipat na ngayong araw sa Quezon City Jail Male Dormitory si dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) natapos na kasi nito ang mandatory na pitong-araw na medical quarantine.
Kasama rin na ililipat ang apat na kasamang inakusahan din na sina Engineer Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at Arjay Domasig at ang accountant na si Juanito Mendoza.
Kinumpirma rin ni BJMP spokesman Jail Superintendent Jayrex Bustinera ang paglipat sa nasabing mga indibidwal na ilalagay sa general population na may kaniya-kaniyang cell assignment base na rin sa pinagsama-samang security, medical at classification assessment.
Dagdag pa nito na walang anumang nakitang sakit si Revilla at mga kasamahan nito kaya ligtas silang mailipat sa normal na detention facility.
Maaring makasama ng dating senador sa selda nito ang ilang mga ordinaryong Persons Deprived of Liberty (PDL) dahil sa walang ipinapatupad na VIP treatment ang BJMP.
Magugunitang idinawit si Revilla na nakinabang sa isang anomalya flood control project sa Bulacan kung saan hinatulan itong guilty sa kasong malversation at graft.
















