-- Advertisements --

Ligtas na nakauwi sa bansa ang panibagong batch ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) dumating nitong gabi ng Martes, Marso 10 ang 32 mga repatriates mula sa Oman na binubuo ng 24 na mga OFW at walong family dependents nila.

Kasama rin nila ng dumating ang apat na OFW mula sa Dubai at Oman.

Dumating ang sinakyan nilang Oman flight WY843 sa Ninoy Aquino International Terminal 1.

Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac. ang pagsalubong sa mga OFW.

Ang hakbang ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tulungan ang mga OFW na makauwi dahil sa lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.