-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairman Andres Reyes Jr. na hanggang Marso 31 na lamang ang operasyon ng kanilang opisina.

Sinabi nito na lahat ng mga dokumento na may kinalaman sa imbestigasyon nila ng anomalya sa flood control ay kanilang nai-turnover na sa Office of the Ombudsman.

Naipasa na rin nila ang kanilang 125-Day Report sa Office of the President noong Pebrero 26.

Nakagawa na rin aniya sila ng kaparaanan para mag-imbestiga na maaaring ipatupad ng ilang ahensiya na mag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyekto.

Nagsumite na rin sila ng 9 referrals na sumasakop sa 65 indibidwal sa Office of the Ombudsman at tinipon ang 20 ahensiya para mabuo ang Technical Working Group For Asset Recovery.

Dagdag pa nito na naging kuntento siya sa mga isinagawa nilang imbestigasyon ukol sa anomalya.